Know what it means: “In between jobs!

pushAUX.com

“Nasa gitna ng dalawang trabaho!”

 

Mahirap maghanap ng trabaho. Para doon sa napag-sarahan ng account, or para doon sa na end contract sa isang call center, imbis na sabihin na “unemployed ako”, ito na lang ang gawing hirit: “I’m in between jobs!” para hindi masakit pakinggan. Try mo sa nanay mo pag kinukulit ka nya sa pagiging jobless mo, hopefully malito sya. ;o)

Talk the Talk

Trisha: “IN BETWEEN JOBS ka nanaman Val. Kelan ka ba matututo?”

Valentino: “Ako nanaman nakita mo. Itagay mo na lang yan. Sino bang next?”

Trisha: “Di ko maintindihan kung bakit sa galing mo mag-english at mag handle ng calls, lagi ka na lang na-sesesante.”

Valentino: “Malas lang ako sa TL lagi. Ewan ko ba. Hoy, hindi ulam ang pulutan, hinay hinay lang.”

Trisha: “Parang naman may sinagot ka dito?”

Valentino: “IN BETWEEN JOBS AKO, libre kita pag may account ulit ako…”